Downloads

The Broadcaster’s Infochart on Emergency Preparedness

MAHAHALAGANG KAALAMAN AT RAHANDAAN SA PANAHON NG PANGANIB

PANIMULA

Dahil sa lokasyon ng ating bansa, iba't-ibang mga panganib ang ating nararanasan sanhi ng bagyo, baha, landslide, lindol, tsunami at pagsabog ng bulkan. Kung hindi tayo maghahanda, maaring magdulot ng malaking pinsala ang mga ito.

Mahalagang alam natin ang mga dapat gain sa panahon ng panganib. Layunin ng infochart na ito na magbahaghindi lamang kaalaman tungkol sa panganib, pati na kahandaan. Kasama rin ang mga numerong matatawagan bago, habang at pagkatapos ng panganib o disaster.

MGA DAPAT TANDAAN

  • Alamin ang mga panganib sa inyong lugar
  • Alamin ang mga dapat gain sa panahon ng panganib
  • Makipag-ugnayan sa lokal a pamahalaan at alamin an emergency contact numbers ng pulis, bumbero, pinakamalapit na ospital at evacuation center
  • Tiyaking ang balita ay mula sa kinauukulang ahensya, tama at maaasahan para maiwasan ang maling impormason sa panahon ng emergency
  • Maghanda ng EMERGENCY SURVIVAL KIT a magagamit sa loob ng tatlong araw:
    • Pagkaing hindi kailangang lutuin at hindi madaling mapanis
    • Tubig na pang-inumin at panglinis
    • Flashlight, kandila, posporo at bagong baterya
    • Kumot, damit na pampalit, pananga sa ulan at baha, tisyu at iba pang sanitary supplies
    • Pangunahing pangangailangan ng mga sanggol, buntis, matatanda at taong may espesyal a pangangailangan (Persons With Disabilities-PWDs)
    • Sapat na pera
    • Malaki at matibay na supot para sa mahahalagang bagay at papeles
    • First aid kit na may pangunahing gamot para sa lagnat, pagtatae, ubo, sipon, sugat at iba pang sakit

1. BAGYO

sama ng panahong nagtataglay ng hanging may lakas na higit sa 35 kilometro bawat oras. Humigit-kumulang sa 20 bagyo ang nabubuo o pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bawat taon.

[**insert par**]

1.1 MGA URI NG BAGYO

Tropical Depression - mula 35-63 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin

Tropical Storm - mula 64-117 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin

Typhoon - higit sa 117 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin

1.2 MGA PANGANIB NG BAGYO

Malakas na hangin

Posibleng umabot sa 250 kilometro bawat oras ang pinakamalakas na hanging kayang makasira ng kabahayan at makabuwal ng mga puno, poste at ibang istruktura.

Malakas na ulan

Lumilikha ng matinding, pagbaha na pumipinsala sa pananim at imprastraktura ang malakas at tuluy-tuloy na ulan.

Storm surge o daluyong ng bagyo

Nagdudulot ng matataas na alon at baha sa mga lugar malapit sa baybaying-dagat, at sumisira sa istrukturang natural o gawa ng tao.

Landslide / mudflow

Maaring magkaroon ng pagguho ng lupa o pag-agos ng putik habang at pagkatapos ng matinding ulan.

1.3 PUBLIC STORM WARNING SIGNAL

Naaayon sa lakas ng hangin ang batayan ng babala ng bagyo at hindi sa lakas o dami ng ulan na dala nito.

Signal number 1 - mararamdaman ang hanging may lakas a 35-60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras

Epekto ng hangin

  • Maaring mabali ang sanga ng maliliit na puno
  • Maaring matumba ang ilang puno ng saging
  • Maaring magkaroon ng kaunting pinsala ang tanim na palay na nasa panahon ng pamumulaklak
  • Maaring liparin ang bubong ng bahay na yari sa magaang materyales tulad ng nipa at cogon

Paghahanda

  • Puwede pang magpatuloy sa mga gawain maliban kung may malakas na ulan at posibleng pagbaha
  • Pinapayuhan ang mamamayan a tumutok sa radyo, telebisyon, internet at opisyal na ulat mula PAGASA

Signal number 2 - mararamdaman ang hanging may lakas a 61-100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 na oras

Epekto ng hangin

  • Maaring mabunot ang ilang malalaking puno
  • Maaring matumba ang maraming puno ng saging
  • Maaring mapinsala ang ilang puno ng niyog
  • Mapanganib ang laot at baybaying-dagat para sa maliliit na sasakyang pandagat
  • Mapanganib ang paglalakbay sa himpapawid

Paghahanda

  • Manatiling nasa loob ng bahay
  • Pangalagaan ang mga ari-arian
  • Laging making sa pinakahuling ulat ng panahon

Signal number 3 - mararamdaman ang hanging may lakas a 101-185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 na oras

Epekto ng hangin

  • Masisira ang karamihan sa puno ng saging
  • Malawakang mapipinsala ang tanim na palay at mais
  • Maaring liparin ang karamihan sa bubong ng bahay na yari sa magaang materyales
  • Mapanganib ang pagbiyahe sa dagat at himpapawid
  • Maaring magkaroon ng pinsala ang mga istrukturang malilit at may katamtamang konstruksyon
  • Maaring magkaroon ng malawakang pagkaputol sa linya ng kuryente at komunikasyon

Paghahanda

  • Lumikas mula sa lugar a maaring magkaroon ng baha, storm surge (daluyong ng bagyo) o landslide
  • Manatili sa matibay na gusali at ligtas na lugar
  • Isagawa ang paglikas kapag signal number 3 pa lang dahil huli na kung hihintayin pa ang signal number 4
  • Laging making sa pinakahuling ulat ng panahon gamit ang de-bateryang radyo

Signal number 4 - higit sa 185 kilometro bawat oras ang lakas ng hanging mararamdaman sa loob ng 12 na oras

Epekto ng hangin

  • Maaring matumba ang maraming malalaking purio
  • Magkakaroon ng malawakang pinsala ang puno ng niyog
  • Makararanas ng matinding pinsala ang tanim na palay at mais
  • Maaring masira ang Karamihan sa bahay at gusaling luma o hindi matibay ang pagkakagawa
  • Maaring lubhang mapinsala ang linya ng kurente at komunikasyon

Paghahanda

  • Kanselahin ang lahat ng paglalakbay at iba pang gawain sa labas
  • Manatili sa ligtas na lugar tulad ng evacuation center

[**insert table**]

2. SAMA NG PANAHON

2.1 INTER-TROPICAL CONVERGENCE ZONE (ITCZ)

Nabubuo ito dahil sa pagsalubong n hanging galing sa timo at hilagang hemispera (southeast at northeast trade winds). Kaakibat nito ang kaulapan at sunud-sunod na mababang presyur na animo'y nakalinya sa ekwador. Nagdudulot ng sama ng panahon at maaring maging gana na bagyo kapag lalong lumakas ang hangin.

2.2 THUNDERSTORM

Sanhi ito ng paglaki ng cumulonimbus clouds o makapal at maitim na kaulapan na kadalasang nagdadala ng kidlat, kulog, hail o pag-ulan ng yelo, at pabugsu-bugsong malakas na hangin. Nagtatagal ng kalahating oras at minsan ay higit pa. Ang karaniwang sukat ng apektadong lugar ay limang kilometro kaya hindi ito malawakang sama ng panahon. Mas limitado ang pinsalang dala nito kumpara sa bagyo, subalit lubha namang mapaminsala.

TANDAAN

Kabilang sa mga senyales ng nagbabadyang thunderstorm ang malalaking kumpul-kumpol na ulap na hugis cauliflower, at papalapit na kidlat at kulog. Mag-antabay sa ulat ng panahon. Kapag kumpirmadong may thunderstorm sa lugar, manatili sa loob ng gusaling yari sa materyal na hindi madaling masunog. Tanggalin sa saksakan ang de kuryenteng kagamitan.

 

2.3 KIDLAT

Kapag may thunderstorm, maaring magkaroon ng kidlat. Maroon itong milyong boltahe ng kuryente na kapag tumama sa bagay o tao ay maaring sumabog, masunog o mamatay. Karaniwang kaakibat ng kidlat ang kulog kung saan ang tunog nito ay pinalalakas ng pagbangga ng air molecules sa ibat-ibang bagay sa lupa tulad ng kabundukan.

TANDAAN

Isang senyales na posibleng tamaan ka ng kidlat ay kapag makulimlim ang panahon at biglang tumayo ang balahibo o buhok mo.

 

RAINFALL WARNING SYSTEM

[**insert rainfall warning system**]

THUNDERSTORM WARNING SYSTEM

[insert thunderstorm warning system**]

MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY KIDLAT

Kung nasa loob ng bahay o gusali,

  • iwasan ang paggamit ng telepono, de-kuryenteng kagamitan at anumang bagay na gawa sa metal dahil maaring daluyan ng kuryenteng mula sa kidlat

  • lumayo sa kawad ng kuryente o de-kuryenteng kagamitan


Kung nasa labas ng bahay o gusali,

  • sumilong agad sa loob ng pinakamalapit na bahay o gusali, huwag sa waiting shed o tent

  • sumilong sa loob ng sasakyan at isara ang bintana kung walang masilungang bahay o gusali

  • huwag hawakan ang metal na bahaging sasakyan

  • huwag buksan ang radyo o anumang de-kuryenteng bagay sa loob ng sasakyan

  • iwasan ang traktora at ibang sasakyang walang bubong at bintana

  • lumayo sa mga bagay na posibleng daluyan ng kidlat tulad ng puno, poste ng kuryente, kawad ng sampayan, alambreng bakod, tubo ng tubig o anumang yari sa metal

  • iwasan ang basang lugar o katubigan lalo na ang maruming tubig

  • lumayo sa matataas na mga bagay tulad ng punong nag-iisa sa kaparangan

  • kapag nasa open field, malaki ang posibilidad na tamaan ng kidlat; kung hindi na makakaalis pa, gawin ang sumusunod para maibsan ang daloy ng kuryente sa katawan:

    • umupo kung saan ang dalawang paa ay nakatingkayad

    • pagdikitin ang dalawang sakong

    • yumuko at idikit ang siko sa tuhod

    • takpan ng mga kamay ang dalawang tenga

3. BAHA

pagtaas ng tubig sa ilog, lawa, at iba pang katubigan na maaring umapaw at umagos sa karatig na mababang lugar

3.1 MGA URI NG BAHA

Pagbaha sa ilog - pagtaas ng tubig sa mababang lugar sa tabing ilog

Pagbaha sa baybaying-dagat - pagtaas ng tubig sa baybayin dulot ng malakas na hangin (storm surge), high tide o tsunami

Flashflood - biglaang pagragasa ng tubig dulot ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan sa kabundukan

3.2 MGA SANHI NO PAGBAHA

Natural

  • Malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng sama ng panahon tulad ng bagyo, monsoon (habagat at amihan) at thunderstorm

  • Storm surge o pagtaas ng alon dulot ng malakas na hangin

  • High tide

  • Tsunami

 

Gawaing-tao at iba pang sanhi

  • Pagtapon ng basura sa estero at imburnal na bumabara sa daluyan ng tubig

  • Pagtayo ng bahay, gusali at iba pang imprastraktura sa tabing-ilog at baybaying-dagat

  • Paggawa ng konkretong kalsada at daanang hindi kayang sumipsip ng tubig

  • Pagputol ng puno na nakababawas sa kakayahan ng lupang sumipsip ng tubig

  • Pagpakawala ng tubig mula sa dam o pagkasira ng dike

  • Pagharang ng landslides sa ilog, na kapag naipon ang tubig at natanggal ang bara, maaring magkaroon ng flashflood

 

3.3 MGA PARAAN UPANG MAIWASAN ANG PAGBAHA

  • Tumulong sa paglinis ng kapaligiran

  • Huwag magtapon ng basura sa kanal, imburnal, estero at ibang daluyan ng tubig

  • Magtanim ng puno sa kabundukan at tabing-dagat

  • Gawing sistematiko at kontrolin ang pagputol ng puno

  • I-report ang ilegal na pagtotroso at pagkakaingin

  • Ipatupad ang patakaran sa pagpapatayo ng istruktura (structural code) at mayos na paggamit ng lupain (land use planning) lalo na sa daanan ng tubig

  • Magtayo ng imprastrakturang magsisilbing panangga sa baha gaya ng dike, dam at pumping stations

  • I-report ang ilegal na palaisdaan at iba pang imprastrakturang sagabal sa normal na daloy ng tubig

  • Suportahan ang pagtatatag sa komunidad ng pagbibigay-babala sa baha (flood early warning system)

  • Gumawa ng plano ng paglikas (evacuation plan) mula sa lugar na mapanganib sa baha

  • Magbigay ng impormasyon at pagsasanay tulad ng pagtatasa sa panganib ng baha (flood hazard assessment), flood early warning system at evacuation drill

 

MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY BAHA

  • Regular na alamin ang balita tungkol sa situwasyon ng baha at ulat ng panahon

  • Iwasan ang lumabas ng bahay

  • Kung hindi maiwasang dumaan sa baha,

    • alamin at iwasan ang lokasyon ng kanal at bukas na imburnal

    • iwasan ang daan patungo sa ilog

    • dumaan sa bahaging pinagmulan ng agos at huwag bibitiw kung may hawak na lubid

  • Sumunod sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan na lumikas

  • Kung kailangang lumikas,

    • susian ang aparador at kabinet

    • isara ang bintana, pinto at gate

    • magsuot ng pantalon, bota o anumang proteksyon sa paa upang maiwasang masugatan

    • magdala ng lubid, pito, ID at emergency survival kit

  • Upang makaiwas sa sakit na dulot ng baha,

    • hugasan at luting mabuti ang prutas, gulay at karneng kakainin

    • pakuluan ang inuming tubig sa panahon at pagkatapos ng pagbaha

    • huwag lumusong sa baha upang hindi dapuan ng sakit gaya ng leptospirosis

    • kumunsulta sa doctor kung may sintomas ng sakit tulad ng pagtatae, typhoid fever, Hepatitis A, pulmonya at dengue fever

4. LINDOL

mahina hanggang malakas na pagyanig dahil sa biglaang paggalaw ng bato sa ilalim. ng lupa. Sa kasalukuyan, humigit-kumulang sa 20 lindol bawat araw ang naitatala sa Pilipinas.

[**insert distro**]

4.1 MGA URI NG LINDOL

Tectonic - dulot ng paggalaw ng fault at trench

Volcanic - dulot ng paggalaw ng magma o lusaw a bato sa ilalim ng aktibong bulkan

4.2 MGA MAARING PAGMULAN NG LINDOL

Tinatahak ng active faults (gumalaw sa loob ng 10,000 taon) at napagigitnaan ng trenches ang Pilipinas. Ilan sa maaring pagmulan ng lindol sa bansa ay:

  • Philippine Fault Zone at mga sanga nito

  • Valley Fault System

  • Manila Trench

  • Philippine Trench

  • Negros Trench

  • Sulu Trench

  • Cotabato Trench

4.3 FOCUS AT EPICENTER

Focus - aktuwal a pinagmulan ng lindol sa ilalim ng lupa

Epicenter o episentro - lugar sa ibabaw ng lupa na direktang nasa itaas ng focus

4.4 MAGNITUDE AT INTENSITY

Magnitude - enerhiya ng lindol mula sa focus; nasusukat gamit ang datos na naitala ng instrumentong tinatawag a seismograph

Intensity - lakas ng lindol ayon sa naramdaman ng tao, at epekto ng pagyanig sa istruktura at kapaligiran; mas mataas ito kapag malapit sa episentro at bumababa kapag papalayo rito; ginagamit ang PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS) upang malaman ang intensity sa isang lugar sa Pilipinas

4.5 AFTERSHOCKS

Ito ay kasunod na mga pagyanig na kadalasang mas mahina kaysa sa naunang malakas at mapaminsalang lindol (main shock).

4.6 MGA PANGANIB NG LINDOL

Pangunahing panganib

  • Pagyanig ng lupa (ground shaking) - mapaminsalang baba-taas at paduyang-galaw kapag may lindol. Maaring gumuho ang istruktura dahil sa matinding pagyanig.

  • Pagbitak ng lupa (ground rupture) - karaniwang pahabang bitak sa lupa dulot ng paggalaw ng fault. Maaring masira ang istrukturang direktang nasa ibabaw ng fault.
  • Pag-aastang mala-tubig ng lupa (liquefaction) - umaastang parang likido ang lupa. Maaring lumubog o tumagilid ang istrukturang nasa ibabaw ng malambot na lupa.

  • Pagguho ng lupa (landslide) - pagguho ng lupa, bato o putik sa dalisdis ng bundok dahil sa pagyanig ng lupa

  • Tsunami o seiche - along likha ng lindol sa ilalim ng dagat o lawa

Sekondaryong panganib

  • Sunog dulot ng pagkasira ng kawad ng kuryente at pagsabog ng tangke ng gas

  • Flashflood

4.7 PAGHAHANDA SA LINDOL

  • Alamin kung ang lugar ay malapit sa o dinadaanan ng active fault. Nirerekomenda ng PHIVOLCS ang hindi bababa sa limang metrong buffer zone mula sa magkabilang gilid ng fault upang makaiwas sa panganib ng ground rupture. Siyasatin kung ang lugar ay may malambot na lupa, may matatarik na dalisdis, o nasa tabing-dagat o lawa

  • Tiyaking matibay at umaayon sa building code ang ipatatayong gusali at imprastraktura pang maiwasan ang pagbagsak dulot ng ground shaking.

  • Ipasuri ang tibay ng gusali at iba pang imprastraktura.

  • Itali ang mabibigat na kasangkapan sa dingding.

  • Tiyaking maayos ang pagkakakabit ng nakabiting bagay.

  • Ilagay sa pinakailalim a bahaging kabinet ang mga babasagin, nakalalasong kemikal, bagay na madaling magliyab at mabibigat na gamit.

  • Ugaliing isara ang tangke ng gas pagkatapos gamitin.

  • Alamin ang ligtas at matibay na bahaging gusali, tulad ng lugar malapit sa elevator shaft at ilalim ng mesang matibay, kung saan maaring manatili habang lumilindol

  • Matutong gumamit ng fire extinguisher, first aid kit at emergency alarm. Ito ay dapat nakalagay sa lugar na madaling puntahan at makuha, at may palatandaan o markang madaling makita.

  • Alamin ang pinakamalapit na emergency exit, pati na ang ligtas at mabilis na daan papunta rito.

 

PANUKAT NG PAGYANIG NG LINDOL

(PHIVOLCS EARTHQUAKE INTENSITY SCALE)

I. NAPAKAHINA

  • Nararamdaman lamang ng mga taong nasa mainam na kalagayan at pagkakataon.

  • Ang mga kasangkapang nasa alanganing posisyon ay bahagyang nagagalaw.

  • Ang tubig sa mga sisidlan ay bahagyang natitinag.

[**insert photo**]

II. BAHAGYANG MARAMDAMAN

  • Nararamdaman ng mga taong namamahinga sa loob ng bahay.

  • Bahagyang kumikilos ang mga nakabiting bagay.

  • Kapansin-pansin ang paggalaw ng tubig sa mga sisidlan.

[**insert photo**]

III. MAHINA

  • Nararamdaman ng nakararaming taong nasa loob ng bahay o gusali lalo't higit ang mga nasa itaas na palapag. Ang ilan ay nakararamdam ng pagkahilo o pagkalula. Ang pagyanig ay tulad ng pagdaan ng maliit na "truck".

  • Mahinang umiindayog ang mga nakabiting bagay.

  • Katamtamang lakas ang paggalaw ng tubig sa mga sisidlan.

[**insert photo**]

IV. BAHAGYANG LAKAS

  • Nararamdaman ng halos lahat ng taong nasa loob ng bahay o gusali at ng ibang nasa labas. Nagigising ang mga taong mababaw ang tulog. Ang pagyanig ay tulad ng pagdaan ng isang mabigat na "truck"

  • Malakas na umindayog ang mga nakabiting bagay. Mahinang kumakalatog ang mga plato at baso; yumayanig ang mga pinto at bintana. Bahagyang lumalangitngit ang sahig at dinging ng mga bahay na kahoy. Bahagyang umuuga ang mga nakahimpil na sasakyan.

  • Malakas ang paggalaw ng tubig sa mga sisidlan. Maaaring may maring na mahinang ugong o dagundong mula sa kapaligiran.

[**INSERT PHOTO**]

V. MALAKAS

  • Nararamdaman ng halos lahat g tao sa loob at labas. Marami ang nagigising at nagugulantang. Ang ibr ay nasisindak at tumatakbong palatas ng bahay o gusali. Malakas na pagyanig at pag-uga ang nararamdaman sa bung gusali o kabahayan.

  • Napakalakas na umiindayog ang mga nakabiting bagay. Malakas na kumakalatog ang mga plato at baso; at ang iba ay nababasag. Ang magagaan at malilit na kasangkapan ay nahuhulog o tumutumba. Kapansin-pansin ang pag-uga ng mga nakahimpil na sasakyan.

  • Natatapon o umaawas ang tubig sa mga bukas at punong sisidlan. Bahagyang nayuyugog ang mga sanga at dahon ng mga halaman o punongkahoy.

[**insert photo**]

VI. NAPAKALAKAS

  • Marami ang nasisindak; marami ang tumatakbong palabas ng bahay o gusali. Ang iba ay nawawalan ng panimbang. Ang mga nagmamaneho ng sasakyan ay nakararamdam ng tila may "flat” na goma.

  • Ang mga mabibigat a bagay at kasangkapan ay natitinag o nalilipat ng kinalalagyan. Maaaring bumatingting ang mga malilit a kampana ng simbahan. Maaaring magbitak ang mga palitada ng pader. Ang mga luma o mahihinang bahay at iba pang istruktura ay bahagyang napipinsala bagama't ang mga matitibay ay hindi naaapektuhan.

  • May mangilan-ngilang landslide o pagguho at paggulong ng malalaking bato sa mga burol at bulubundukin. Kapansin-pansin ang pagyugyog ng mga halaman at punongkahoy.

[**insert photo**]

VII. MAPAMINSALA

  • Halos lahat ng tao ay nasisindak at tumatakbong palabas ng bahay at gusali. Nahihirapan sa pagtayo ang mga taong nasa matataas na palapag.

  • Bumabagsak o tumataob ang mga mabibigat a bagay at kasangkapan. Maaaring kumalembang ang malalaking kampana ng simbahan. Nagkakaroon ng malaking pinsala ang mga luma at mahihinang istruktura at bahagyang pinsala naman ang mga bago at matitibay. Maaaring magbitak ang mga dike, palaisdaan, konkretong daan at pader.

  • May mangilan-ngilang liquefaction, lateral spreading at landslide o pagguho ang magaganap. Malakas na yumuyugyog ang mga halaman at punongkahoy. (Ang "lateral spreading" ay ang pagkalat, pagluwag at pagbuka ng lupa kung may malakas na lindol.)

[**insert photo**]

VIII. LUBHANG MAPAMINSALA

  • Nagkakagulo at nalilito ang ma tao. Mahirap makatayo kahit sa labas ng pamamahay.

  • Maraming malalaking gusali ang malubhang napipinsala. Nasisira ang ma dike at bumabagsak ang mga tulay dahil sa paglubog ng lupa. Bumabaluktot o nababali ang mga riles ng tren. Ang mga puntod ay natitinag, napipilipit o gumuguho. Maaaring tumagilid o gumuho ang ma poste, tore at monumento. Ang tubo ng tubig at kanal ay maaaring bumaluktot, pumilipit, mabasag o mabali.

  • Ang mga istruktura ay lumulubog, tumatagilid o gumuguho bunga ng liquefaction at lateral spreading. Maramihang pagguho ang nagaganap sa ma burol at kabundukan. Sa ma lugar na nasa episentro o malapit dito, ang mga malalaking tipak ng bato ay maaaring humagis palayo mula sa kinalalagyan. Maaaring makamasid g mga bitak sa lupa at fault rupture. Yumuyugyog nang napakalakas ang mga halaman at punongkahoy. Humahampas at sumasampa ang mga alon ng tubig-ilog sa mga dike at pampang.

[**insert photo**]

IX. MAPANALANTA

  • Sapilitang tumutumba ang mga tao sa sahig o sa lupa. Laganap ang pagkakagulo, pagkasindak at pagkatakot.

  • Karamihan sa mga gusali ay gumuguho o malubhang napipinsala. Ang mga tulay at matataas na istruktura ay bumabagsak at nawawasak. Karamihan sa mga poste, tore at monumento ay tumatagilid, nababasag o gumuguho. Ang mga tub ng tubig at kanal ay nababaluktot, pumipilipit o nababasag.

  • Nagkakaroon ng pagguho at liquefaction a may kasamang lateral spreading at sandboil sa maraming lugar. Nababago ang anyo ng lupa bunga ng pag-alon nito. Malakas na nawawasiwas ang mga halaman at punongkahoy kaya't ang iba ay bumabagsak o nababali. Ang mga malalaking tipak ng bato ay karaniwang nahahagis. Napakalakas ang pagsampa at paghampas ng alon ng tubig-ilog sa mga dike at pampang. (Ang sandboil ay ang paitaas na pagbulwak sa ibabaw ng lupa ng buhangin at putik kung may malakas a lindol.)

[**insert photo**]

X. LUBUSANG MAPANALANTA

  • Lubusan ang pagkasalanta ng lahat ng istrukturang gawa ng tao.

  • Malawakang pagguho at liquefaction, malakihang paglubog at pag-alsa ng lupa, at napakaraming bitak ang masasaksihan. Nag-liba ang daloy ng tubig sa mga bukal, batis at ilog. Nagkakaroon ng malalaki at mapaminsalang alon sa mga lawa. Ang mga punongkahoy ay natutumba, nababali o nabubunot sa lupa

[**insert photo**]

MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY LINDOL

Kung nasa loob ng matibay na gusali,

  • manatili sa loob

  • gawin ang "Duck, Cover and Hold" na posisyon - yumuko, magtago sa ilalim ng matibay na mesa at humawak sa paa nito upang maprotektahan ang sarili sa naglalaglagan at naghahampasang bagay

  • umiwas sa salaming maaring mabasag

  • kapag may pagkakataon, buksan agad ang pinto upang makalabas matapos ang lindol


Kung nasa labas,

  • magtungo sa bakanteng lote (open space) na malayo sa gilid ng bundok, o sa tabing dagat o lawa

  • lumayo sa mga puno, poste ng kuryente, pader at ibang istruktura na maaring bumagsak o tumumba

  • iwasan ang gusaling puno ng salamin


Kung nagmamaneho,

  • itabi at hinto ang sasakyan

  • huwag magtangkang tumawid sa tulay, overpass o foot bridge dahil maaring napinsala na ito ng lindol


Kung nasa gilid ng bundok,

  • lumayo agad sa lugar na may matatarik na dalisdis

  • kapag naabutaan ng landslide sa loo ng bahay, magtago sa ilalim ng matibay na mesa o kama

  • kapag naabutan sa loo ng sasakyan, manatili lamang dito


Kung nasa tabing dagat o lawa,

  • mas makabubuting ipagpalagay a magkakaroon ng tsunami o seiche

  • lumikas nang mabilis papunta sa mataas na lugar, papalayo sa tabing dagat o lawa

 

4.8 MGA DAPAT GAWIN MATAPOS ANG LINDOL

  • Suriin ang sarili at kasamahan sa pinsalang natamo.

  • Maglakad nang mabilis at lumabas gamit ang pinakaligas na daan kung inabutan ng lindol sa loob ng luma at marupok na gusali.

  • Tulungan sa paglikas ang may kapansanan, buntis, bata at matatanda.

  • Huwag gamitin ang elevator sa pagbaba.

  • Huwag gamitin ang telepono maliban kung kailangan ng agarang tulong. Ang linya ng telepono ay gagamitin ng mga awtoridad para sa madaliang pagkalap at pagsalin ng impormasyon sa oras ng emergency.

  • Huwag gamitin ang sasakyan sa apektadong lugar. Ang maluwag na kalsada ay kailangan para sa mabilis a operason ng mga rumeresponde.

  • Huwag pumasok sa gusaling may nasirang bahagi. Maaring tuluyang gumuho o bumagsak ito kapag nagkaroon ng malakas na aftershocks.

  • Makinig ng balita at sumunod sa instruksyon ng mga awtoridad.

  • Maingat na linisin ang natapong nakalalason at madaling magliyab na kemikal.

  • Alamin kung may sung at agad itong sugpuin. Ipagbigay-alam sa mga awtoridad, kung kinakailangan.

  • Siyasatin ang tubo ng tubig at kawad ng kuryente. Kung may sira, isara ang pinagmumulan ng linya ng tubig o kuryente.

  • Mag-iwan ng mensahe kung saan pupunta kapag lilisanin ang tahanan. Dalhin ang emergency survival kit.

5. TSUNAMI

sunudsunod na along likha ng lindol na ang episentro ay nasa ilalim ng dagat. Nabubuo ito kapag mababaw ang pinagmulan ng lindol (focus) at may sapat na lakas upang magalaw ang sahig ng dagat at tubig sa ibabaw nito.

[**INSERT PHOTO PRONE AREAS**]

5.1 MGA URI NG TSUNAMI

Lokal na tsunami - dulot ng paggalaw ng trench o active fault sa dagat na malapit sa baybayin ng Pilipinas. Dahil maikli ang oras bago dumating ang alon, hindi sapat ang panahon upang makapagbigay-babala.

Tsunami na malayo ang pinagmulan (distant tsunami) - dulot ng paggalaw ng trench o active fault sa dagat mula sa malayong lugar o ibang bansa. Mas matagal bago dumating ang alon kaya sapat ang panahon para makapagbigay-babala.

 

TANDAAN

Tatlong natural na senyales ng parating na lokal na tsunami:

  1. Lindol na may sapat na lakas para maramdaman

  2. Biglaang pagbaba o pagtaas sa antas ng tubig-dagat; hindi ito ang normal na low tide o high tide sa baybayin

  3. Dagundong na likha ng papalapit na alon

 

5.2 PAGHAHANDA SA TSUNAMI

  • Magsagawa ng pahatid-kaalaman at kahandaan sa komunidad tungkol sa lindol at tsunami. Talakayin ang sumusunod:

    • Mga senyales ng parating a lokal na tsunami

    • Pagbibigay-babala sa tsunami (tsunami early warning system)

    • Plano ng paglikas (evacuation plan)

  • Alamin ang mataas na lugar sa komunidad tulad ng burol (hill) na maaring gawing tsunami evacuation site. Pilin ang pinakaligtas at pinakamabilis na daan patungo rito.

  • Magkabit ng karatulang nagsasaading babala at paalala. May tatlong uring karatula:

    • Tsunami Hazard Zone - lugar a maaring maapektuhan ng tsunami kaya dapat iwasan

    • Directional Signs - nagbibigay ng direkson at distansya patungo sa evacuation site

    • Evacuation Site - napagkasunduang ligtas na lugar mula sa tsunami

[**insert tsunami information table**]

6. PAGSABOG NG BULKAN

Ang BULKAN ay burol o bundok kung saan lumalabas ang mga lusaw o mainit na bato, abo at gas, at naiipon sa palibot ng bunganga o crater nito. Maari rin itong bitak o uka na nabuo dahil sa isang beses a pagsabog ng materyales mula sa ilalim ng lupa.

[**insert map**]

6.1 MGA URI NG BULKAN

Active - may naitalang pagputok ang bulkan sa kasaysayan ng Pilipinas; may naitalang lindol dito; may kwento tungkol sa pagputok na naisalin sa pamamagitan ng mga ninuno; base sa resulta ng pag-aaral sa bato mula sa bulkan, ito ay mas bata sa 10,000 taon (Halimbawa: Bulkang Mayon)

Potentially Active - mukhang bata ang anyong bulkan (manipis ang takip na lupa; kalat-kalat ang halaman; mababaw ang lagusan ng tubig) ngunit walang naitalang pagputok sa kasaysayan (Mt. Apo)

Inactive - walang naitalang pagputok ang bulkan sa kasaysayan; malalalim ang lagusan ng tubig na resulta ng pagkadurog o pagkaagnas ng bato (weathering) at erosion (Mt. Makiling)

6.2 VOLCANO ALERT LEVEL

Ito ay sistemang nagsasaad ng kasalukyang kondisyon ng bulkan. Nag-iba ito sa bawat bulkan. Tinutukoy ang parametro o pamantayang siyentipiko na pinag-aaralan at mino-monitor para sa ebalwasyon at interpretasyon ng pagputok ng bulkan. Ang alert level 0 ay nangangahulugang nasa normal a kondisyon ang bulkan. Ang alert level 5 ay pinakamataas na antas at kasalukuyang may mapanganib na pagsabog ang bulkan.

6.3 PERMANENT DANGER ZONE (PDZ)

Lugar sa palibot ng bulkan na lubhang mapanganib. Hindi inirerekomenda ang permanenteng pagtira sa loob ng PDZ. Nagtalaga ang PHIVOLCS ng PDZ sa sumusunod na mga bulkan: anim na kilometro palibot ng Mayon, apat na kilometro palibot ng Bulusan at Kanlaon, at buong isla ng Taal.

[**INSERT EXAMPLE ALERT LEVEL **]

6.4 MGA PANGANIB NG PAGSABOG NG BULKAN

Ang bulkan ay maaring magkaroon ng higit sa isang bunganga o bitak sa dalisdis.

Direktang panganib

  • Pyroclastic flow - napakabilis na pagragasa ng mainit na abo, bato at gas mula sa bunganga pababa sa dalisdis ng bulkan

  • Pag-agos ng lusaw na bato (lava flow) - pagbulwak at pagdaloy ng lava galing sa bunganga o bitak ng bulkan

  • Pag-ulan ng abo (ashfall) at malalaking piraso ng bato (tephra fall)

  • Volcanic gas - ilan sa mga ito ay water vapor, hydrogen, sulfur dioxide, carbon monoxide, hydrogen chloride, hydrogen fluoride at radon

Hindi direktang panganib

  • Lahar - mabilis na daloy ng malapot na pinaghalong tubig, abo at bato mula sa bulkan

  • Tsunami o seiche - along sanhi ng pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat, tabing dagat o lawa

  • Pagguho ng lupa sa bulkan (volcanic landslide)

  • Pagbitak ng lupa (fissuring)

TANDAAN

Mga senyales ng napipintong pagsabog ng bulkan:

  • Pag-itim at pagdami ng steam o usok sa bunganga o bitak ng bulkan

  • Crater glow o pagbaga sa bunganga ng bulkan dulot ng lava

  • Sunud-sunod na lindol na naitatala ng instrumento at nararamdaman ng tao, karaniwang may kasamang malakas na dagundong

  • Pamamaga ng lupa ng bulkan

  • Pagbitak ng lupa

  • Pagguho ng bato at lupa sa dalisdis ng bulkan

  • Kakaibang pag-usok, pagbula at pagbabago a kulay ng tubig sa lawa

  • Biglaang pagkatuyo ng balon at bukal malapit sa bulkan

  • Malawakang pagkalat ng amoy ng asupre

  • Pagbabago sa temperatura ng tubig at lupa

  • Pagbabago sa chemistry o komposisyong kemikal ng tubig at gas

  • Hindi pangkaraniwang kilos ng hayop sa paligid ng bulkan

  • Pagkalanta at pagkatuyo ng halaman sa paligid ng bulkan

  • Malawakang pagkamatay ng isda sa lawa (fish kill)

MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY PAG-ULAN NG ABO

  • Isara ang bintana at pinto ng bahay at sasakyan

  • Takpan ang ilong at bibig gamit ang mask o basang panyo

  • Takpan ang lagayan ng tubig at pagkain para hindi mahaluan ng abo

  • Hugasang mabuti ang gulay at prutas bago lutuin o kainin

  • Panatilihing nasa loob ng kulungan o bahay ang alagang hayop para hindi makalanghap ng abo

  • Making sa radyo at telebisyon para sa balita tungkol sa pagsabog ng bulkan

  • Kapag mahina na ang pag-ulan ng abo, walisin ang naipong abo sa bubong para hindi ito magiba sa bigat ng abo

  • Kung nasa labas, maghanap ng massilungan, gumamit ng salamin para protektahan ang mata at iwasang gumamit ng contact lenses

  • Kapag malakas ang pag-ulan ng abo, nagdidilim ang paligid at nag-zero visibility sa daan, tumabi at huminto kung nagmamaneho

 

6.5 MGA DAPAT GAWIN MATAPOS ANG PAG-ULAN NG ABO

Ang abo mula sa bulkan ay animong pino pero lubhang magaspang at nakagagasgas.

  • Takpan ang ilong at bibig habang naglilinis

  • Buhusan ng tubig ang bubong at alulod matapos alisin ang abo para maiwasan ang pangangalawang

  • Tanggalin muna ang abo sa halaman bago diligan

  • Labhan ang damit na nalagyan ng abo

  • Pagpagin ang abo mula sa kasangkapan

  • Buhusan ng tubig ang bintana at pinto ng bahay at sasakyan para tanggalin ang abo bago hugasan ng sabon at punasan

  • Ipunin ang abo at ilagay sa lugar na malayo sa daluyan ng tubig o kanal para maiwasan ang pagbabara

TANDAAN:

  • Kung malapit ang tirahan sa pumuputok na bulkan, lumikas sa lalong madaling panahon

  • Kung ang pumuputok na bulkan ay nasa ilalim ng dagat, tabi ng dagat o lawa, lumikas agad papalayo dahil maaring magkaroon ng malalaking alon

  • Iwasang dumaan sa mga sapa, ilog, lawa o lugar na dinadaanan ng tubig dahil ito ay maaring daluyan ng lava o lahar

 

7. LANDSLIDE

Pagbaba ng lupa, bato o putik mula sa mataas na lugar

7.1 MGA URI NG LANDSLIDE

  • Paggapang ng lupa o creep

  • Pagsalagmak ng lupa o slump

  • Pagdausdos ng bato, lupa at ibang bagay o rock/debris slide

  • Pagkahulog ng bato o rockfall

  • Pag-agos ng lupa na may kasamang bato at ibang bagay o debris flow

  • Pag-agos ng putik o mudflow

7.2 MGA SANHI NG LANDSLIDE

  • Matatarik na dalisdis

  • Kakulangan ng puno at halaman sa bundok

  • Pagkabulok ng dating matitigas na bato dahil sa weathering

  • Pagkabitak o pagkabasag ng bato

  • Sobrang mabigat na dalisdis

7.3 KAILAN MAGKAKAROON NG LANDSLIDE

  • May malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan (rain-induced landslide)

  • May pagyanig dulot ng lindol (earthquake-induced landslide)

7.4 SAAN MAGKAKAROON NG LANDSLIDE

  • Lugar na laging may landslide (active landslide area)

  • Lugar na dating may landslide (old landslide area)

  • Gilid o paanan ng matatarik na dalisdis

  • Roadcuts, bangin at hukay sa lupa

  • Kuweba at sinkhole na ang bato ay limestone

 

TANDAAN

Mga senyales kung magkakaroon ng landslide:

  • Pagbitak ng lupa, kalsada o konkretong sahig

  • Pagtagilid ng poste, puno, bakod at dingding ng gusali

  • Pag-umbok, pag-alun-alon o paghagdan-hagdan ng lupa

  • Putol na tubo ng tubig na nakabaon sa lupa

  • Biglaang pagbukal ng tubig sa lupa

  • Paglabo ng tubig sa sapa o ilog

7.5 PAGHAHANDA SA LANDSLIDE

  • Alamin ang kondisyon ng kapaligiran at matiyagan ang mga senyales ng landslide

  • Alamin mula sa barangay ang banta ng landslide sa lugar sa pamamagitan ng barangay landslide threat advisory, report ng landslide at mapa ng panganib ng landslide (landslide hazard map) mula sa MGB

  • Alamin ang mabilis at ligtas a daan patungo sa pinakamalapit na evacuation center

  • Lumikas sa lalong madaling panahon kung walang tigil ang ulan at may panganib ng landslide sa lugar

 

MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY LANDSLIDE

Kung nasa loob ng bahay o gusali at hindi na makalikas,

  • huwag lumabas, manatili lamang sa loob

  • magtago sa ilalim ng matibay na mesa o kama


Kung nasa labas,

  • iwasan ang maaring daanan ng landslide

  • magtungo sa mataas at ligtas na lugar

  • ibaluktot ang katawan at protektahan ang ulo kung hindi na maiwasan ang landslide


Kung nagmamaneho,

  • huwag tumawid sa tulay o bahagi ng kalsada na may guho

  • iwasan ang nahulog na malalaking bato at lupa

7.6 MGA DAPAT GAWIN MATAPOS ANG LANDSLIDE

  • Iwasan ang lugar na may guho dahil sa banta ng muling pagguho

  • Maging mapagmatiyag sa posibleng biglaang pagbaha (flashflood) kung ang landslide ay nakapagbara ng daluyan ng tubig

  • Alamin kung may nawawalang tao at ipagbigay-alam ito sa kinauukulan upang masimulan ang paghahanap sa kanila

  • Subaybayan ang pinakahuling advisory at babala

  • I-report ang nasirang linya ng kuryente, tubig at telepono

  • Alamin kung may sira ang pundasyon at iba pang bahagi ng bahay o gusali, at ayusin kapag wala nang banta ng landslide

[**insert contact numbers**]